الشمس
The Sun • 15 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,[1]
2sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,
3sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon,
4sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon,
5sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,
6sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,
7sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,
8saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;
9nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito
10at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito.
11Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito
12nang sumugod ang pinakamalumbay nito.
13Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].”
14Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].
15Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.