الفاتحة
The Opening • 7 ayahs • Meccan
1Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
2Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]
3ang Napakamaawain, ang Maawain,
4ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
5Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
6Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
7ang landasin ng mga biniyayaan[4] Mo,[5] hindi ng mga kinagalitan,[6] at hindi ng mga naliligaw.[7]