Al-Layl

الليل

The Night21 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَغۡشَىٰ﴿١

1Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito,

وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ﴿٢

2sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito,

وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ﴿٣

3sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae;

إِنَّ سَعۡيَكُمۡ لَشَتَّىٰ﴿٤

4tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari.

فَأَمَّا مَنۡ أَعۡطَىٰ وَٱتَّقَىٰ﴿٥

5Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala

وَصَدَّقَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ﴿٦

6at nagpatotoo sa pinakamaganda,[1]

فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡيُسۡرَىٰ﴿٧

7magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali;

وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسۡتَغۡنَىٰ﴿٨

8at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili

وَكَذَّبَ بِٱلۡحُسۡنَىٰ﴿٩

9at nagpasinungaling sa pinakamaganda,[2]

فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلۡعُسۡرَىٰ﴿١٠

10magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap.

وَمَا يُغۡنِي عَنۡهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ﴿١١

11Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]?

إِنَّ عَلَيۡنَا لَلۡهُدَىٰ﴿١٢

12Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay.

وَإِنَّ لَنَا لَلۡأٓخِرَةَ وَٱلۡأُولَىٰ﴿١٣

13Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay.

فَأَنذَرۡتُكُمۡ نَارٗا تَلَظَّىٰ﴿١٤

14Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab.

لَا يَصۡلَىٰهَآ إِلَّا ٱلۡأَشۡقَى﴿١٥

15Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay,

ٱلَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ﴿١٦

16na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod.

وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلۡأَتۡقَى﴿١٧

17Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala,

ٱلَّذِي يُؤۡتِي مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ﴿١٨

18na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan]

وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعۡمَةٖ تُجۡزَىٰٓ﴿١٩

19at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan,

إِلَّا ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِ ٱلۡأَعۡلَىٰ﴿٢٠

20bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas.

وَلَسَوۡفَ يَرۡضَىٰ﴿٢١

21Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh].

RELATED SURAHS