الضحى
The Morning Hours • 11 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga],
2sumpa man sa gabi kapag lumukob ito;
3hindi namaalam sa iyo [O Propeta Muḥammad] ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam.
4Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay.
5Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka.
6Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo?
7Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya [sa iyo].
8Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya.
9Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig [sa kanya].
10Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy [sa kanya].
11Hinggil naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsanaysay ka.