الشرح
The Relief • 8 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Hindi ba nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo [O Propeta Muḥammad]?
2Nag-alis Kami palayo sa iyo ng pasanin mo,
3na nakabigat sa likod mo.
4Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo.
5Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
6Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
7Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba],
8at sa Panginoon mo ay magmithi ka.