At-Takwir

التكوير

The Overthrowing29 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ﴿١

1Kapag ang araw ay ipinulupot,

وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ﴿٢

2kapag ang mga bituin ay pumanglaw,

وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ﴿٣

3kapag ang mga bundok ay iuusad,

وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ﴿٤

4kapag ang mga buntis na kamelyo[1] ay pinabayaan,

وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ﴿٥

5kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,

وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ﴿٦

6kapag ang mga dagat ay pinagliyab,

وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ﴿٧

7kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares,[2]

وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ﴿٨

8kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin

بِأَيِّ ذَنۢبٖ قُتِلَتۡ﴿٩

9dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,

وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ﴿١٠

10kapag ang mga pahina [ng tala ng gawa ng tao] ay inilatag,

وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ﴿١١

11kapag ang langit ay tinuklap,

وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ﴿١٢

12kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,

وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ﴿١٣

13at kapag ang Paraiso ay pinalapit [sa mga mananampalataya];

عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّآ أَحۡضَرَتۡ﴿١٤

14malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito [na maganda at masagwa].

فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ﴿١٥

15Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong,

ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ﴿١٦

16na umiinog na nagtatago,

وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ﴿١٧

17at sa gabi kapag umurong-sulong ito,

وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ﴿١٨

18at sa madaling-araw kapag huminga ito;

إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ﴿١٩

19tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang sugong marangal,

ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٖ﴿٢٠

20[si Anghel Gabriel] na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan,

مُّطَاعٖ ثَمَّ أَمِينٖ﴿٢١

21na tinatalima [ng mga anghel], pagkatapos mapagkakatiwalaan.

وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٖ﴿٢٢

22[O mga tao,] ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] ay hindi isang baliw.

وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ﴿٢٣

23Talaga ngang nakakita siya rıto [kay Anghel Gabriel] sa abot-tanaw na malinaw.

وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٖ﴿٢٤

24Siya, [sa pagpapaabot ng kaalaman] sa nakalingid, ay hindi isang sakim.

وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٖ﴿٢٥

25[Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.

فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ﴿٢٦

26Kaya saan kayo pupunta?

إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ﴿٢٧

27Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang,

لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ﴿٢٨

28para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ﴿٢٩

29at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.

RELATED SURAHS