Al-Infitar

الانفطار

The Cleaving19 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنفَطَرَتۡ﴿١

1Kapag ang langit ay nabitak,

وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ﴿٢

2kapag ang mga tala ay kumalat,

وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ﴿٣

3kapag ang mga dagat ay isinambulat,

وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ﴿٤

4at kapag ang mga libingan ay hinalukay;

عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ﴿٥

5malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya [na mga gawa].

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِيمِ﴿٦

6O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?

ٱلَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ﴿٧

7[Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.

فِيٓ أَيِّ صُورَةٖ مَّا شَآءَ رَكَّبَكَ﴿٨

8Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.

كَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّينِ﴿٩

9Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas [sa mga gawa].

وَإِنَّ عَلَيۡكُمۡ لَحَٰفِظِينَ﴿١٠

10Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,

كِرَامٗا كَٰتِبِينَ﴿١١

11na mararangal na mga tagasulat.

يَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ﴿١٢

12Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.

إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٖ﴿١٣

13Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.

وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٖ﴿١٤

14Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.

يَصۡلَوۡنَهَا يَوۡمَ ٱلدِّينِ﴿١٥

15Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas.

وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَآئِبِينَ﴿١٦

16Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.

وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ﴿١٧

17Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?

ثُمَّ مَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ﴿١٨

18Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?

يَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسٞ لِّنَفۡسٖ شَيۡـٔٗاۖ وَٱلۡأَمۡرُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ﴿١٩

19[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.

RELATED SURAHS