الزلزلة
The Earthquake • 8 ayahs • Medinan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Kapag niyanig ang lupa sa [huling] pagyanig nito,
2at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,
3at nagsabi ang tao: “Ano ang mayroon dito?” –
4sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito
5dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.
6Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.
7Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,
8at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.