العاديات
The Chargers • 11 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,
2saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],
3saka mga nanlulusob sa madaling-araw,
4saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,
5saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon [ng mga kaaway];
6tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.
7Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.
8Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.
9Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod
10at itinanghal ang nasa mga dibdib,
11tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.