المطففين
The Defrauders • 36 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,
2na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,
3at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.
4Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin
5para sa isang araw na sukdulan,
6sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?
7Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.
8Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?
9Isang talaan na sinulatan.
10Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
11na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.
12Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.
13Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna!”
14Aba’y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.
15Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.
16Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.
17Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.”
18Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.
19Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?
20Isang talaan na sinulatan,
21Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit [kay Allāh].
22Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,
23habang nasa mga supa ay nakatingin [sa nagpapagalak sa kanila].
24Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.
25Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.
26Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.
27Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,[1]
28isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.
29Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.
30Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila [bilang panunuya].
31Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.
32Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: “Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.”
33Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.
34Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa
35habang nasa mga supa ay nakatingin.[2]
36Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?[3]