الانشقاق
The Splitting Open • 25 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Kapag ang langit ay nabiyak
2at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
3kapag ang lupa ay binanat,
4at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,
5at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;
6O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] rito.[1]
7Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
8tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
9at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
10Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,
11mananawagan siya ng pagkagupo
12at masusunog siya sa isang liyab.
13Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
14Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].
15Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
16Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
17at sa gabi at sa iniipon nito,
18at sa buwan kapag namilog ito;
19talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.
20Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
21Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
22Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
23Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila [sa mga dibdib nila].
24Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
25maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.