البروج
The Great Stars • 22 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,
2sumpa man sa Araw na ipinangako,
3sumpa man sa isang tagasaksi[1] at sa isang sinasaksihan;
4isinumpa ang mga kasamahan ng bambang
5na [may] apoy na may panggatong,
6noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo
7habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.
8Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,
9na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.
10Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.
11Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.
12Tunay na ang pagsunggab[2] ng Panginoon mo ay talagang matindi.
13Tunay na Siya ay nagpapasimula [ng paglikha] at nagpapanumbalik [nito].
14Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,
15ang May trono, ang Maringal,
16palagawa ng anumang ninanais Niya.
17Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal
18ni Paraon at ng [liping] Thamūd?
19Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,
20samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.
21Bagkus ito ay isang Qur’ān na maringal,
22na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.