At-Tariq

الطارق

The Night Comer17 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ﴿١

1Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.

وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ﴿٢

2Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?

ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ﴿٣

3[Ito] ang bituing tumatagos.

إِن كُلُّ نَفۡسٖ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٞ﴿٤

4Walang kaluluwa malibang dito ay may isang [anghel na] tagapag-ingat.

فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ﴿٥

5Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.

خُلِقَ مِن مَّآءٖ دَافِقٖ﴿٦

6Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,

يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ﴿٧

7na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod [ng lalaki] at mga tadyang.

إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٞ﴿٨

8Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito,[1] ay talagang Nakakakaya.

يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ﴿٩

9Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim [para ibunyag],

فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٖ وَلَا نَاصِرٖ﴿١٠

10walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.

وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ﴿١١

11Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,

وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ﴿١٢

12sumpa man sa lupa na may bitak [ng pagtubo ng halaman];

إِنَّهُۥ لَقَوۡلٞ فَصۡلٞ﴿١٣

13tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,

وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ﴿١٤

14at hindi ito ang biru-biro.

إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدٗا﴿١٥

15Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi [laban sa inihatid ng Propeta],

وَأَكِيدُ كَيۡدٗا﴿١٦

16at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi [laban sa kanila].

فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا﴿١٧

17Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.

RELATED SURAHS