عبس
He Frowned • 42 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Nagkunot-noo siya[1] at tumalikod siya
2dahil dumating sa kanya ang bulag.[2]
3Ano ang magpapaalam sa iyo na marahil siya[3] ay magpapakabusilak [sa kasalanan]
4o magsasaalaala para magpakinabang sa kanya ang paalaala?
5Tungkol sa nag-akalang nakasasapat [para mangailangan ng pananampalataya],
6ikaw ay sa kanya nag-aasikaso.
7Ano [ang maisisisi] sa iyo na hindi siya magpakabusilak [sa kasalanan]?
8Hinggil naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi [sa paghahanap ng kabutihan]
9habang siya ay natatakot [kay Allāh],
10ikaw ay sa kanya nagwawalang-bahala.
11Aba’y hindi! Tunay na ang mga [talatang] ito ay isang pagpapaalaala;
12kaya ang sinumang lumuob ay mag-aalaala siya nitong [ Qur’ān].
13[Ito ay] nasa mga pahinang pinarangalan,
14na inangat na dinalisay,
15na nasa mga kamay ng mga [anghel na] tagatala,
16na mararangal na mabubuting-loob.
17Sumpain ang tao [na tagatangging sumampalataya]; anong palatangging sumampalataya nito!
18Mula sa aling bagay lumikha Siya nito?
19Mula sa isang patak lumikha Siya nito saka nagtakda Siya rito.
20Pagkatapos sa landas[4] ay nagpadali Siya nito.
21Pagkatapos nagbigay-kamatayan Siya rito saka nagpalibing Siya rito.
22Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito.
23Aba’y hindi! Hindi pa ito gumanap sa ipinag-utos Niya rito.
24Kaya tumingin ang tao sa pagkain nito –
25na Kami ay nagbuhos ng tubig sa pagbubuhos,
26pagkatapos bumiyak Kami sa lupa nang biyak-biyak [para sa halaman],
27saka nagpatubo Kami rito ng mga butil,
28at ubas at kumpay,
29at oliba at datiles,
30at mga harding malago,
31at prutas at damo –
32bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
33Ngunit kapag dumating ang Dagundong[5]
34sa Araw na tatakas ang tao mula sa kapatid niya,
35at ina niya at ama niya,
36at asawa niya at mga anak niya.
37Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila sa Araw na iyon ay isang kaukulang sasapat sa kanya.
38May mga mukha sa Araw na iyon na nagliliwanag,
39na tumatawa na nagagalak.
40May mga mukha sa Araw na iyon na sa mga ito ay may alabok.
41May lulukob sa mga ito na isang panglaw.
42Ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya na masasamang-loob.