البلد
The City • 20 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito
2habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah].
3Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya,
4talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.
5Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?
6Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.”
7Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?
8Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,
9isang dila, at dalawang labi?
10Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan].
11Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.
12Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?
13[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,
14o pagpapakain sa isang araw na may taggutom
15sa isang ulilang may pagkakamag-anak
16o sa isang dukhang may paghihikahos.
17Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.
18Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.
19Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.
20Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.