القلم
The Pen • 52 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Nūn.[1] Sumpa man sa panulat at anumang itinititik nila,[2]
2hindi ka, [O Propeta Muḥammad,] dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang baliw.
3Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil.
4Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan.
5Kaya makakikita ka at makakikita sila
6kung nasa alin sa inyo ang hinihibang [ng demonyo].
7Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan.
8Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapagpasinungaling [sa Kapahayagan sa iyo].
9Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka [sa usapin ng relihiyon] saka magpapahinuhod sila.
10Huwag kang tumalima sa bawat palasumpang aba,
11palasirang-puri, palalako ng satsat,
12palakait ng kabutihan, tagalabag, makasalanan,
13sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan.[3]
14[Gayon siya] dahil siya ay naging may yaman at mga anak,
15kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān], nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna.”
16Maghehero Kami sa kanya sa nguso.
17Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga.
18Hindi sila humihiling ng pahintulot [kay Allāh].[4]
19Kaya may umikot doon [sa hardin] na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog.
20Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi.[5]
21Kaya nagtawagan sila kinaumagahan,
22na [mga nagsasabi]: “Magpakaaga kayo sa taniman ninyo kung kayo ay mga mamimitas.”
23Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan,
24na [nagsasabi]: “Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha.”
25Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya.
26Ngunit noong nakita nila iyon [na nasunog] iyon ay nagsabi sila: “Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw;[6]
27bagkus tayo ay mga pinagkaitan [ng mga bunga]!”
28Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: “Hindi ba nagsabi ako sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?”
29Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan.”
30Kaya lumapit sila sa isa’t isa habang nagsisisihan.
31Nagsabi sila: “O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagapagmalabis.
32Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuting [harding] kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad.”
33Gayon ang pagdurusa [sa Mundo] at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam.
34Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan.
35Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin?
36Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?
37O mayroon kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo,
38na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo?
39O mayroon kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo?
40Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako.
41O mayroon silang mga pantambal [kay Allāh]? Kaya magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat,
42sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila[7] makakakaya.
43Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog.
44Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pahayag [ng Qur’ān na ito]; mag-uunti-unti Kami sa kanila [tungo sa pagdurusa] mula sa hindi nila nalalaman.
45Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay.
46O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya [dahil sa pag-aanyaya] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
47O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?
48Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda[8] noong nanawagan siya habang siya ay nahahapis.
49Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang biyaya mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan.
50Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, saka gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos.
51Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala [ng Qur’ān] at nagsasabi sila: “Tunay na siya ay talagang isang baliw.”
52Walang iba [ang Qur’ān na] ito kundi isang paalaala [mula kay Allāh] para sa mga nilalang.