Al-Humazah

الهمزة

The Gossipmonger9 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَيۡلٞ لِّكُلِّ هُمَزَةٖ لُّمَزَةٍ﴿١

1Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,

ٱلَّذِي جَمَعَ مَالٗا وَعَدَّدَهُۥ﴿٢

2na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,

يَحۡسَبُ أَنَّ مَالَهُۥٓ أَخۡلَدَهُۥ﴿٣

3habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.

كَلَّاۖ لَيُنۢبَذَنَّ فِي ٱلۡحُطَمَةِ﴿٤

4Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.

وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحُطَمَةُ﴿٥

5Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?

نَارُ ٱللَّهِ ٱلۡمُوقَدَةُ﴿٦

6[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,

ٱلَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى ٱلۡأَفۡـِٔدَةِ﴿٧

7na nanunuot sa mga puso.

إِنَّهَا عَلَيۡهِم مُّؤۡصَدَةٞ﴿٨

8Tunay na [Impiyernong] ito sa kanila ay itataklob

فِي عَمَدٖ مُّمَدَّدَةِۭ﴿٩

9sa mga haliging binanat.

RELATED SURAHS