الحاقة
The Inevitable • 52 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Ang Magkakatotoo.
2Ano ang Magkakatotoo?
3Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Magkakatotoo?
4Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd at ang [liping] `Ād sa Tagadagok.[1]
5Kaya hinggil naman sa [liping] Thamūd, ipinahamak sila sa pamamagitan ng labis-labis [na sigaw].
6Hinggil naman sa [liping] `Ād, ipinahamak sila sa pamamagitan ng isang hanging malamig[2] na nangangalit.
7Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga tuod ng punong datiles na hungkag.
8Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng anumang natitira?
9Naghatid si Paraon, ang bago niya, at ang mga [naninirahan sa mga bayang] pinagtauban ng kasalanan
10sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumulubha.
11Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa nagpapatianod[3]
12upang gumawa Kami nito para sa inyo bilang pagpapaalaala at magkamalay rito ang isang taingang nagkakamalay.
13Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip,
14at dinala ang lupa at ang mga bundok, saka dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog,
15sa araw na iyon ay magaganap ang Magaganap.
16Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok.
17Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan, sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon, na walong [anghel].
18Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo [para tuusin]; walang nakakukubli mula sa inyo na isang tagakubli.
19Kaya hinggil naman sa bibigyan ng talaan [ng mga gawa] niya sa kanang kamay niya, magsasabi siya: “Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ko.
20Tunay na ako ay nakatiyak na ako ay makikipagkita sa pagtutuos sa akin.”
21Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nalulugod,
22sa isang harding mataas,
23na ang mga napipitas doon ay naaabot.
24[Sasabihan sa kanila]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa inuna ninyo sa mga araw na nagdaan.”
25Hinggil naman sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: “O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko
26at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin!
27O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagpawakas!
28Hindi nakapagpakinabang para sa akin ang yaman ko.
29Napahamak sa akin ang kapamahalaan ko.”
30[Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya.
31Pagkatapos sa Impiyerno ay sumunog kayo sa kanya.
32Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya.”
33Tunay na siya dati ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan.
34at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha.
35Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol,
36at walang pagkain kundi mula sa isang tagas ng sugat.
37Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.
38Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo
39at anumang hindi ninyo nakikita.
40Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang Sugong marangal.
41Ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kaunti ang sinasampalatayanan ninyo!
42Hindi [ito] sinabi ng isang manghuhula. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
43Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang.
44Kung sakaling nagsabi-sabi siya[4] laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,
45talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,
46pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso,
47saka walang kabilang sa inyo na isa man, na para sa kanya ay mga makahahadlang [sa Amin].
48Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala.
49Tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapagpasinungaling.
50Tunay na ito ay talagang isang [dahilan ng] panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya.
51Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan.
52Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.