الطور
The Mount • 49 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa Bundok,[1]
2sumpa man sa isang Aklat[2] na natitikan
3sa isang pergaminong nakaladlad,
4sumpa man sa Bahay na Dinadalaw-dalaw,[3]
5sumpa man sa bubong [na langit] na iniangat,
6sumpa man sa dagat na pinupuno [ng tubig],
7tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.
8Walang ukol dito na anumang tagatulak,
9sa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,
10at uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.
11Kaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,
12na sila sa isang pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.
13Sa araw na ipagtutulakan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan [at sasabihan:]
14“Ito ay ang Apoy [ng Impiyerno] na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling.”
15Kaya panggagaway ba [ang pagdurusang] ito o kayo ay hindi nakakikita?
16Masunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
17Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,
18na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at [dahil] nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.
19[Sasabihan sila:] “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,
20habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay.” Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.
21Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa [magandang] gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.
22Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.
23Magpapasahan sila roon ng tasa [ng alak] na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.
24May iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga perlas na itinatago.
25Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
26Magsasabi sila: “Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag [pagdurusa sa Kabilang-buhay].
27Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.
28Tunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain.
29Kaya magpaalaala ka [sa kanila nang tuluy-tuloy] sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.
30O nagsasabi sila: “Isang makata [siya], na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon.”
31Sabihin mo: “Mag-abang kayo [sa kamatayan ko] sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang [sa pagdurusa ninyo].”
32O nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila [ng paratang] na ito o sila ay mga taong tagapagmalabis?
33O nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.
34Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad [ng Qur’ān] kung sila ay mga tapat.
35O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?
36O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.
37O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?
38O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakakapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.
39O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?
40O nanghihingi ka ba [O Propeta Muḥammad] sa kanila ng isang pabuya[4] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
41O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?
42O nagnanais ba sila ng isang panlalansi [laban sa iyo O Propeta] ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga nilalansi?
43O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
44Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: “Mga ulap na ibinunton.”
45Kaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,
46sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang panlalansi nila ng anuman ni sila ay iaadya.
47Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[5] ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
48Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin[6] at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.
49Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin [sa madaling-araw].