النجم
The Star • 62 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,
2Hindi naligaw ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] at hindi siya nalisya.
3Hindi siya bumibigkas ayon sa [sariling] pithaya.
4Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.
5Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,
6[si Anghel Gabriel] na may kapangyarihan saka tumindig [ayon sa anyo ng pagkakalikha],
7habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.
8Pagkatapos lumapit ito saka pumanaog ito.
9Kaya ito ay naging nasa layo ng dalawang pana o higit na malapit.
10Kaya nagkasi Siya sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.
11Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.
12Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?
13Talaga ngang nakita niya [si Gabriel na] ito sa iba pang pagkababa,
14sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,
15sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,
16noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.
17Hindi lumiko ang paningin [ni Propeta Muḥammad] at hindi ito lumampas.
18Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.
19Kaya nakaisip ba kayo [O mga tagapagtambal] kina Allāt at Al`uzzā,[1]
20at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?
21Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?
22Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.
23Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.
24O ukol ba sa [bawat] tao ang anumang [tagapamagitang] minithi niya?
25Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.
26Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.
27Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.[2]
28Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.
29Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa [Qur’ān na] paalaala Namin [mula sa Qur’ān] at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo.
30Iyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan.
31Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda.
32Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala.
33Kaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām],
34at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?
35Taglay ba niya ang kaalaman sa nakalingid kaya siya ay nakakikita?
36O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises
37at [mga kalatas] ni Abraham na tumupad:
38na hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba,[3]
39na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,
40at na ang pagpupunyagi niya ay makikita.
41Pagkatapos gagantihan siya ng ganting pinakasapat.
42Na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan [matapos ng kamatayan].
43Na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.
44Na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.
45Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae,
46mula sa patak kapag ibinuhos ito.
47Na nasa Kanya ang pagpapaluwal na iba pa.[4]
48Na Siya ay nagpayaman at nagbigay-kasiyahan.
49Na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.[5]
50Na Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna
51at [liping] Thamūd, kaya hindi Siya nagtira.
52[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.
53Ang itinaob ay pinalagpak Niya,
54saka bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.
55Kaya hinggil sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nagtataltalan ka?
56[Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna.
57Nalapit ang Papalapit.
58Walang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi.
59Kaya ba sa salaysay na ito nagtataka kayo?
60Tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,
61habang kayo ay mga nagsasaya.
62Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.