القمر
The Moon • 55 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak[1] ang buwan [sa dalawa].
2Kung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.”
3Nagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.
4Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita [ng mga kalipunan] ang may pantaboy [sa kawalang-pananampalataya].
5[Ang Qur’ān ay] isang masidhing karunungan, ngunit hindi nagpapakinabang [sa kanila] ang mga babala.
6Kaya tumalikod ka sa kanila [hanggang] sa araw na mananawagan ang [anghel na] tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.
7Habang mga nagtataimtim ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,
8na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.
9Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya.
10Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.”
11Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.
12Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.
13Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.
14Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.
15Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?
16Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
17Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?
18Nagpasinungaling ang [liping] `Ād [sa propeta nilang si Hūd], kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
19Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.
20Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.
21Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
22Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?
23Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.
24Kaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.
25Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na walang-galang.”
26Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.
27Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.
28Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.
29Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [ang tabak] at kinatay nito.
30Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?
31Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga [na tinanggihan ng] ng nagkukural.
32Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?
33Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.
34Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato [na sumalanta sa kanila] maliban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi
35bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.
36Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nagtaltalan sila hinggil sa mga babala.
37Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] “Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.”
38Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.
39Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.
40Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?
41Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.
42Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Tagakaya.
43Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga [nalipol na kalipunang] iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?
44O nagsasabi sila: “Kami ay katipunang nananaig?”
45Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod [nila].
46Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.
47Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw [sa Mundo] at isang pagdurusa [sa Kabilang-buhay].
48Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila, [sasabihin sa kanila]: “Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!”
49Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.
50Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.
51Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?
52Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.
53Bawat maliit at malaki ay nakatitik.
54Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,
55sa upuan ng katapatan sa piling [ni Allāh ang] Haring Tagakaya.