الحجر
The Rocky Tract • 99 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Alif. Lām. Rā’.[1] Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw.[2]
2Marahil mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya [sa Araw ng Pagbangon] na kung sana sila ay naging mga Muslim.
3Hayaan mo sila na kumain, magpakatamasa, at maglibang sa kanila ang [tagal ng] pag-asa sapagkat makaaalam sila.
4Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong isang pagtatakdang nalalaman.
5Walang nakauuna na anumang kalipunan sa taning nito at hindi sila nakapag-aantala.
6Nagsabi sila: “O siyang ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw.
7Bakit kasi hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat?”
8Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban.
9Tunay na Kami ay nagbaba ng [Qur’ān na] Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat [laban sa pagbabago].
10Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna.
11Walang pumupunta sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
12Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin.
13Hindi sila sumasampalataya rito [sa Qur’ān] samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna.
14Kahit pa nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,
15talaga sanang nagsabi sila: “Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway.”
16Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga kumpulan [ng mga bituin] at naggayak sa mga ito para sa mga tagapagmasid.
17Nag-ingat Kami rito[3] laban sa bawat demonyong kasumpa-sumpa,
18maliban sa sinumang nagnakaw-nakaw ng pagdinig kaya may sumunod sa kanya na isang bulalakaw na malinaw.
19Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse.
20Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos.
21Walang anumang bagay malibang nasa ganang Amin ang mga lagakan nito, at hindi Kami nagbababa nito malibang ayon sa sukat na nalalaman.
22Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito samantalang kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak.
23Tunay na Kami, talagang Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at Kami ay ang Tagapagmana.
24Talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapauna kabilang sa inyo at talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapaantala.
25Tunay na ang Panginoon mo ay kakalap sa kanila [para gantihan]. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam.
26Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.[4]
27Ang jinn ay nilikha Namin ito bago pa niyan mula sa apoy ng nakapapasong hangin.
28[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”[5]
29Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.
30Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama,
31maliban si Satanas; tumanggi siya na maging kasama sa mga tagapagpatirapa.
32Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa.”
33Nagsabi ito: “Hindi ako naging ukol na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.”
34Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula riyan [sa Paraiso] sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa,
35at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”
36Nagsabi ito: “Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”
37Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban
38hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko].”
39Nagsabi ito: “Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila[6] sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,
40maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”
41Nagsabi Siya: “Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.
42Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila [sa paglilisya sa kanila], maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.s
43Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.
44Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa kanila ay may isang bahaging itinalaga [sa mga tagasunod ni Satanas].”
45Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.
46[Sasabihin:] “Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay.”
47Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan.
48Walang sumasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin.
49Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,
50at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.
51Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga [anghel na] panauhin ni Abraham.
52[Banggitin] noong pumasok sila[7] sa kanya at nagsabi sila: “Kapayapaan” ay nagsabi siya: “Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak.”
53Nagsabi sila: “Huwag kang masindak; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam.”
54Nagsabi siya:[8] “Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin [hinggil sa isang anak] sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin?”
55Nagsabi sila: “Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nasisiraan ng loob.”
56Nagsabi siya: “Sino ang nasisiraan ng loob sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?”
57Nagsabi siya: “Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?”
58Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
59maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama,
60maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan [para mapahamak].”
61Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga [anghel na] isinugo,
62nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong di-kilala.”
63Nagsabi sila: “Bagkus naghatid kami sa iyo ng [pagdurusang] sila dati kaugnay rito ay nagtataltalan.
64Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.
65Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan.”
66Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga.
67Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.
68Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin.
69Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin.”
70Nagsabi sila: “Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang?”
71Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga babaing anak ko [na mapakakasalan ninyo], kung kayo ay mga magsasagawa [ng pakikipagtalik].”
72Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.
73Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw].
74Kaya gumawa Kami sa itaas ng mga [pamayanang] ito na maging ibaba ng [mga pamayanang] ito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad.
75Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha.
76Tunay na [ang mga pamayanang] ito ay talagang nasa isang landas na nananatili.
77Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.
78Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] ay talagang mga tagalabag sa katarungan.
79Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [pamayanang] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw.
80Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo.
81Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw.
82Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay.
83Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga.
84Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila.
85Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag.
86Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam.
87Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān.
88Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya,
89magsabi ka: “Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw [ng pagdursa]”
90gaya ng nagpababa Kami [ng kasulatan] sa mga nagkahati-hati,
91na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga baha-bahagi.
92Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang magkakasama
93tungkol sa anumang dati nilang ginagawa.
94Kaya maglantad ka ng ipinag-uutos sa iyo [ni Allāh] at umayaw ka sa mga tagapagtambal.
95Tunay na Kami ay nakasapat sa iyo sa mga tagapangutya
96na gumagawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa, ngunit malalaman nila.
97Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa sinasabi nila.
98Kaya magluwalhati ka kasabay ng papuri sa Panginoon mo at maging kabilang ka sa mga tagapagpatirapa.
99Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa pumunta sa iyo ang katiyakan [ng kamatayan].