Al-Insan

الإنسان

Man31 ayahsMedinan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا﴿١

1May dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?

إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا﴿٢

2Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo[1] upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.

إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا﴿٣

3Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, na maaaring maging isang tagapagpasalamat at maaaring maging isang mapagtangging magpasalamat.

إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا﴿٤

4Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.

إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا﴿٥

5Tunay na ang mga mabuting-loob [sa Kabilang-buhay] ay iinom mula sa kopa [ng alak] na ang halo nito ay Kāfūr,

عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا﴿٦

6na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.

يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا﴿٧

7Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.

وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا﴿٨

8Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.

إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا﴿٩

9[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا﴿١٠

10Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid.”

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا﴿١١

11Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا﴿١٢

12Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla.

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا﴿١٣

13Mga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig.

وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا﴿١٤

14Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.

وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠﴿١٥

15Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,

قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا﴿١٦

16mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.

وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا﴿١٧

17Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya

عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا﴿١٨

18[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.

۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا﴿١٩

19May lilibot sa kanila na mga [na naglilingkod na] batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga perlas na ikinalat.

وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا﴿٢٠

20Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.

عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا﴿٢١

21May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا﴿٢٢

22[Sasabihin]: “Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala.”

إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا﴿٢٣

23Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.

فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا﴿٢٤

24Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat.

وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا﴿٢٥

25Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا﴿٢٦

26Sa bahagi ng gabi[2] ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa [bahagi ng] gabi nang matagal.[3]

إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا﴿٢٧

27Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng [paggawa para sa] isang araw na mabigat.

نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا﴿٢٨

28Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.

إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا﴿٢٩

29Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا﴿٣٠

30Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا﴿٣١

31Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan[4] ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

RELATED SURAHS