القيامة
The Resurrection • 40 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.
2Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.
3Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?
4Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.
5Bagkus nagnanais ang tao para magsamasamang-loob sa hinaharap niya.
6Nagtatanong siya: “Kailan ang Araw ng Pagbangon?”
7Kaya kapag nagitla ang paningin
8at nagdilim ang buwan,
9at ipinagsama ang araw at ang buwan;
10magsasabi ang tao sa Araw na iyon: “Saan ang matatakasan?”
11Aba’y hindi! Wala nang kublihan.
12Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.
13Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya.[1]
14Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay.[2]
15Kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya.
16Huwag kang magpagalaw ng dila mo, [O Propeta Muḥammad,] kasabay nito upang magmadali ka nito.
17Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito [sa puso mo] at ang pagpapabigkas nito.
18Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka [O Propeta Muḥammad] sa pagpapabigkas nito.
19Pagkatapos tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito [sa iyo].
20Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay
21at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay.
22May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning,
23sa Panginoon nila ay nakatingin.
24May mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi.
25Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod.
26Aba’y hindi! Kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat,
27at sasabihin: “Sino ang lulunas?”
28Nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay.
29Pupulupot ang binti sa binti.[3]
30Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan.
31Ngunit hindi siya nagpatotoo[4] at hindi siya nagdasal,
32subalit nagpasinungaling [sa mensahe] siya at tumalikod siya [rito].
33Pagkatapos pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamayabang sa paglakad.
34Higit na malapit [na pagdurusa] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na pagdurusa]!
35Pagkatapos higit na malapit [na kasawian] ay ukol sa iyo saka higit na malapit [na kasawian]!
36Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya nang napababayaan?[5]
37Hindi ba siya dati ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos?
38Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, saka lumikha [si Allāh] saka bumuo [sa kanya].
39Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae.
40Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay?