نوح
Noah • 28 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: “Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit.”
2Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw:
3na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;
4magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.”
5Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,
6ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas [sa ipinaaanyaya].
7Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.
8Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.
9Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat.
10Kaya nagsabi ako [sa kanila]: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –
11magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,
12mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
13Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian
14samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?
15Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na nagkakatakluban?
16Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo.
17Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.
18Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang [panibagong] pagpapalabas.
19Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag
20upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.’”
21Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.
22Nagpakana sila [na mga pinuno] ng isang pakanang pagkalaki-laki.
23Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’[1]
24Nagligaw nga sila [na mga pinuno] ng marami at huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkaligaw.”
25Dahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.
26Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang palagala.
27Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.
28Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.”