الفلق
The Daybreak • 5 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway
2laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya
3at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,
4at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,
5at laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag naiinggit ito.”