Al-Ghashiyah

الغاشية

The Overwhelming26 ayahsMeccan

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ﴿١

1Nakarating ba sa iyo [O Sugo] ang sanaysay ng Tagalukob[1]?

وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ﴿٢

2May mga mukha sa Araw na iyon na nagtataimtim,

عَامِلَةٞ نَّاصِبَةٞ﴿٣

3na gumagawa [sa Mundo], na magpapakapagal [sa Kabilang-buhay],

تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةٗ﴿٤

4na masusunog sa isang apoy na napakainit,

تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٖ﴿٥

5na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init.

لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٖ﴿٦

6Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman,

لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٖ﴿٧

7na hindi nagpapataba at hindi nakatutugon sa gutom.

وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاعِمَةٞ﴿٨

8May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan,

لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٞ﴿٩

9na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod,

فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ﴿١٠

10sa isang harding mataas,

لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةٗ﴿١١

11na hindi sila makaririnig doon ng isang satsat.

فِيهَا عَيۡنٞ جَارِيَةٞ﴿١٢

12Doon ay may bukal na dumadaloy.

فِيهَا سُرُرٞ مَّرۡفُوعَةٞ﴿١٣

13Doon ay may mga kamang nakaangat,

وَأَكۡوَابٞ مَّوۡضُوعَةٞ﴿١٤

14may mga kopang nakalagay,

وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٞ﴿١٥

15may mga almohadon na nakahanay,

وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ﴿١٦

16at mga alpombrang ikinalat.

أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ﴿١٧

17Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito,

وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ﴿١٨

18at sa langit kung papaanong inangat ito,

وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ﴿١٩

19at sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito,

وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ﴿٢٠

20at sa lupa kung papaanong inilatag ito?

فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٞ﴿٢١

21Kaya magpaalaala ka [sa kanila, O Propeta Muḥammad]; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang.

لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ﴿٢٢

22Hindi ka sa kanila isang tagapanaig [sa pagsampalataya].

إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ﴿٢٣

23Ngunit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya

فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ﴿٢٤

24ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki.

إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ﴿٢٥

25Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.

ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم﴿٢٦

26Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.

RELATED SURAHS