النبأ
The Tidings • 40 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]?
2Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān],
3na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.
4Aba’y hindi! Makaaalam sila.
5Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.
6Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag
7at sa mga bundok bilang mga tulos?
8Lumikha Kami sa inyo na magkapares.
9Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.
10Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.
11Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.
12Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi.
13Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab.
14Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos
15upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman
16at mga harding magkakapulupot.
17Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras
18sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.
19Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.
20Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.
21Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,
22na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,
23na mga mamamalagi roon sa mga yugto.
24Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,
25maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana
26bilang ganting angkop [sa masagwang gawa].
27Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.
28Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.
29Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan.
30Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.
31Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila]
32ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso],
33ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,
34at ng kopang pinuno [ng alak].
35Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,
36bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit
37[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot].
38Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.
39Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.
40Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang [maganda o masagwang gawa na] ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: “O kung sana ako ay naging alabok!”