المسد
The Palm Fiber • 5 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab[1] at napahamak siya!
2Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.
3Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab
4at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,
5habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.