العلق
The Clot • 19 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,
2lumikha sa tao mula sa isang malalinta.
3Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,
4na nagturo sa pamamagitan ng panulat,
5nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.
6Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis
7dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.[1]
8Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan.
9Nakakita ka ba sa sumasaway
10sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito?
11Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,
12o nag-utos ng pangingilag magkasala?
13Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya?
14Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]?
15Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:
16isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.
17Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.
18Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].[2]
19Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].