الواقعة
The Event • 96 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Kapag naganap ang Magaganap,
2para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,
3na magbababa [ng mananampalataya], mag-aangat [ng tagatangging sumampalataya].
4Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog
5at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,
6kaya magiging alikabok na kumakalat.
7Kayo ay magiging tatlong uri.
8Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?
9Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
10Ang mga tagapanguna [sa mga kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].
11Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]
12sa mga hardin ng kaginhawahan.
13Isang pangkat mula sa mga nauna [na yumakap sa Islām]
14at kaunti mula sa mga nahuli,
15sa mga kamang pinalamutian [ng ginto],
16na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.
17May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],
18na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak [na dalisay] na dumadaloy,
19na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,
20at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,
21at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,
22at may mga dilag na magaganda ang mga mata,
23na gaya ng mga tulad ng mga perlas na itinatago,
24bilang ganti sa dati nilang ginagawa [na maganda].
25Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan
26maliban sa pagsasabi ng [pagbati ng] kapayapaan, kapayapaan!
27Ang mga kasamahan ng kanan, ano ang mga kasamahan ng kanan?
28[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]
29at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],
30at sa lilim na inilatag,
31at tubig na pinadaloy,
32at prutas na marami,
33hindi pinuputol at hindi pinipigilan,
34at sa mga higaang iniangat.
35Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila[1] sa isang [pambihirang] pagpapaluwal,
36saka gumawa sa kanila na mga birhen,
37na malalambing na magkakasinggulang,
38para sa mga kasamahan sa kanan.
39Isang pangkat mula sa mga nauna
40at isang pangkat mula sa mga nahuli.
41Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa,[2] ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
42[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,
43at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,
44hindi malamig at hindi marangal.
45Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.
46Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.[3]
47Sila dati ay nagsasabi: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,
48at ang mga ninuno naming sinauna?”
49Sabihin mo: “Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli
50ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.”
51Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay]
52ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,
53saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,
54saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,
55saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!”
56Ito ay pang-aliw nila sa Araw ng Pagtutumbas.
57Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?
58Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?
59Kayo ba ay lumilikha niyon [bilang tao] o Kami ay ang Tagalikha?
60Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan
61na magpalit Kami ng mga tulad [ng mga anyo] ninyo at [muling] magpaluwal Kami sa inyo sa [mga anyong] hindi ninyo nalalaman.
62Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?
63Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?
64Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?
65Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,
66[na magsasabi]: “Tunay na kami ay talagang mga mamultahan;[4]
67bagkus kami ay mga pinagkaitan!”
68Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?
69Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?
70Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?
71Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?
72Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?
73Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.
74Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
75Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,
76at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.
77Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,
78na nasa isang Aklat na itinatago,[5]
79na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,
80na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.
81Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?
82Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.
83Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan
84habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?
85Kami[6] ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.
86Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –
87kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.
88Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],
89[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.
90Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,
91[magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”
92Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,
93[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig
94at isang pagpapasok sa Impiyerno.
95Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.
96Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.