الدخان
The Smoke • 59 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Ḥā. Mīm. [1]
2Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,
3tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala [sa tao at jinn].
4Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,
5bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,
6bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.
7Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatityak.
8Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.
9Bagkus sila ay nasa isang pagdududa, na naglalaro.
10Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw.
11Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit.
12Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa [dahil sa tagtuyot]; tunay na Kami ay mga mananampalataya.
13Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating ng sa kanilang isang Sugong malinaw [na si Propeta Muḥammad]?
14Pagkatapos tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: “Isang baliw na tinuruan [ng iba].”
15Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik.
16Sa Araw [ng Labanan sa Badr] na susunggab Kami [sa kanila] ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.
17Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal [na si Moises],
18na [nagsasabi]: “Ipaubaya ninyo sa akin ang mga [anak ni Israel na] lingkod Ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan –
19at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.
20Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.
21Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin.”
22Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.
23Kaya [nag-utos si Allāh]: “Kaya maglakbay ka kasabay ng mga [anak ni Israel na] lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan.”
24Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.
25Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal,
26mga pananim at pinanatilihang marangal,
27at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!
28Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao.
29Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.
30Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak
31mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis.
32Talaga ngang pumili Kami sa kanila [na mga anak ni Israel] ayon sa kaalaman, higit sa mga nilalang [ng panahon nila].
33Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.
34Tunay na ang mga [tagapagtambal] ito ay talagang nagsasabi:
35“Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin.
36Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung kayo ay mga tapat.”
37Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa nila, na ipinahamak Namin [dahil sa kasalanan]? Tunay na sila ay mga salarin noon.
38Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro.
39Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
40Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama,
41sa Araw na walang magpapakinabang na isang pinagpapatangkilikan sa isang nagpapatangkilik ng anuman ni sila ay iaadya,
42maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.
43Tunay na ang puno ng Zaqqūm
44ay pagkain ng makasalanan.
45Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan [nila],
46gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.
47[Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.
48Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig.
49Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.
50Tunay na ito ay ang [bagay na] dati kayo hinggil dito ay nagtataltalan.”
51Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,
52sa mga hardin at mga bukal,
53na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan.
54Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.
55Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay.
56Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno
57bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
58Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
59Kaya mag-abang ka [ng wakas nila]; tunay na sila ay mga nag-aabang.