الكافرون
The Disbelievers • 6 ayahs • Meccan
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1Sabihin mo: “O mga tagatangging sumampalataya [kay Allāh],
2hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo [na mga diyus-diyusan],
3ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh];
4ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo [na mga diyus-diyusan],
5ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh lamang].
6Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.”